Friday, August 15, 2008

Ang Ulilang Araw ng Agosto 13 Sa Buhay Ko

Sa lahat ng Mga Bumati:

Ty sainyo. Buti pa kayo binati nyo ko. Kaya mula ngayon close na tayo, promise.

Kaya ganyan ang tono ko, kasi di ako binati ng ex-girlfriend ko, na ngayun ay Mrs. Co na.

Ganon pala ang pakiramdam ng nagdaramdam na hindi mabati lalo na ng taong araw-araw mong kasama sa bahay. Naisip ko na marahil yan ang kabayaran nung mga araw na hindi ko rin sya nabati. Nung isang taon na bertday nya, sinita nya pa ko, bakit di ko man lang daw na-alala ang kaarawan nya. Buti na lang mabilis naman akong nakasagot, "ikaw naman, pano ko maaalala na bertday mo na naman eh para ka kasing di tumatanda eh." "kunsabagay nga naman ..." ang sagot nya.

Nitong Mayo lang, pagkagising ko sa umaga, panay ang bati ng mga anak ko sa kanya:" hapi maders day mama ... hapi-hapi maders day," sabay halik pa. Wala lang sakin yun, kaya ayun, nagtampo na naman. Syemps dedepensa ako. "Bakit naman kita babatiin eh di naman ikaw ang Nanay ko, sana kung me Hapi Wifey Day." Talaga namang wala pang official holiday ang Wife Day o kaya Husband Day di ba? Tama ako dun di ba?

Ngayun ang malaking katanungan ko ay kung bakit di nya ko binati nitong bertday ko. Gumaganti lang kaya sya sakin? Ano sa palagay nyo?

No comments: