Tuesday, December 9, 2008

GoNegosyo i-Multiply Mo, Bulletin No.2: Pang-Regalo Sa Mga Barako (Gifts for Men)

Ang mahalumigmig na simo'y ng hangin, mas mahabang oras na latag ng dilim sa gabi, dangan kasi'y maagap na dumaratal ang takipsilim; at karampot na maghapong sinag ng araw, dangan kasi'y antala ang pagsulpot ng bukang-liwayway. Ito raw kasi ang panahon sa loob ng isang taon, kung saan ang haring araw ay nakapaling nang pinakamalayong agwat sa pang gabing buwan. Ay! pasko na nga naman pala.

Samantala, ito ang mga ritwal ko sa umaga.

Pagkabangon, diretso sa CR, maghihilamos, magsesepilyo, punas-punas, isusuot ang pangbahay na short at kamisa de tsino, at mananaog tungo sa komedor.

Kukunin ang mumunting gilingan ng kape (minuscule coffe grinder) at gigiling ng isang dakot na butil ng kapeng barako. Ang kalalabasan ng isang salang sa gilingan ay sampung kutsarang napulbos na kape, na sa aking pamantayan ng katamtamang timpla ng tapang, ay sapat para sa sampung tasang mainit na kape.

Nakakaramdam ako ng kasiyahan sa munting gawaing ito para sa aking sarili. Hindi ko iniuutos ang pagtempla ng aking kape. Pinagsisilbihan ko ang aking sarili sa ganitong pagkakataon. Ang munting garalgal na ingay na likha ng mumunting gilingan ay tila pampagising sa nananamlay pang diwa. Ang halimuyak ng aroma ng kape na tumatakas sa takip ng gilingan ay pumapawi sa asal na magbuntunghininga sa umaga, sa halip ay mapapahugot-hininga ng malalim upang masamyo ang kawili-wiling bango.



Isang takal ng kape sa kutsara ang isasalin sa mala-kupitang buslo na may pinong salaan ng isang sadyang lutuan ng kape (coffee maker), katumbas ng isang tasang tubig, mas maigi, kung dati nang mainit na tubig mula sa thermos ang ibuhos, upang mapabilis ang pag-agos nito sa pulbos na kape na tila naghihintay na mapaliguan o mabanlian. Sa ikalawang pagkakataon, muling hahalimuyak ang paligid sa aroma ng tunay na katutubong kape.

Habang sinisimsim ang mainit na kape, nagsimula akong mag-isip ng nga bagay na tumpak ipang-regalo ngayung kapaskuhan para sa mga importante at kapitag-pitagang mga tao na marapat mapasalamatan bago man lang tumalikod ang kasalukuyang taon.


Humm ... ano kaya? DVD? ang corny naman, Chivas Regal? ang mahal naman, Oven toaster? ang cheap naman. Nagkaproblema tuloy ako. Wala man lang akong mapagtanungan nang mga oras na yon, di pa kasi bumabangon ang mahal kong esposa. Kung kaharap ko sana siya ay malamang lutas na ang aking pamomroblema, komo babae, marami itong alam tungkol sa rega-regalo.

Aba! mukhang nasa harap ko na nga ang kalutasan ng aking problema!

Regalo Para Sa Mga Barako


Isasaayos sa isang makintab na paper bag, kapirasong ribbon at lakipan ng tarheta, ayos na.

Puede ko rin palang i-negosyo ito, i-private message mo ko, bigay ko sayo ang presyo. Wag matakot, di ito mahal pero di naman mumurahin ang kalidad.

Monday, December 1, 2008

GoNegosyo i-Multiply Mo, Bulletin No.1: New! Multi-Purpose Grasscutter-Harvester

Links

I am promoting a new small machine product. It is a simple metal contraption to be attached to a motorized grass-cutter, which then converts it to double as rice harvester, and also becoming an effective cutting equipment for stalks and shrubs. That attachment consist of a tungsten carbide saw teeth blade and a curved metal sheet, forming like a half funnel that catches and controls the rice paddies from flying indiscriminately to any direction.

I hastily sent samples of that merchandise to some of my Dealers without any enclosed brochures, so they are puzzled now on how to assemble them.

While trying to send a not so clear picture of a readily assembled unit, I paused to satisfy my curiosity, why not google - "grasscutter harvester?" What a pleasant surprise! I stumbled on a Company showcasing the same kind of product with clear product picture and a you tube video too.

Try it now, please Google: "grasscutter harvester", then click PCARRD message board. Or, try to visit directly this link http://www.youtube.com/watch?v=f4SYbaG7OM8 and also http://www.kainitz.com


Be sure to watch the video of harvesting demonstration. The convenience and usefulness of the equipment is very impressive. And that would be more likely how my product will function or will be put into intended use.

That kind of machine is relatively new in the agricultural machinery industry in the Philippines. It has not yet flooded the market, but no doubt, it will soon become a part of basic tools in farming in the countryside - just like the local handtractor and thresher, due to its technological simplicity and adaptability.

With due respect, I thank Kainitz Corporation for having a website featuring that particular product which lead me to use it as a ready reference. I guess, it would work both ways for both of us, this is also in a way, facilitating the introduction of Kainitz Corporation to my prospective Buyers and or Sellers.

For price and specification particulars, please let me answer you on private email