Thursday, March 17, 2011

BYAHE NA

Bukas, Viernes, ika 18 ng Marso, 2011. Sasama ako sa byahing Bikol.

Wala namang tunay na sadya, gusto ko lang makipaghuntahan sa mga pasahero habang nasa daan.

Kapag nandun na rin lang sa Bikol, binisitahin ko ang organic farming at organic piggery raising dun ng isang pinsanin. Kakatay ng mailap na manok. Mamimili ng katutubong bigas na binayo.

Isabay ko na rin ang pangangampanya na maibahagi ang teknolohiya ng walang kamatayang Rice Husk Gasifier ni Alexis Belonio.

At higit sa lahat kaya gusto ko magliwaliw, ay kailan pa nga ba natin ito gagawin, pag tayo ba ay mukhang hukluban na?

Makinig ka Idol Bongget!

Friday, March 11, 2011

TSUNAMI SA AKING BAYAN

March 11, 2011, Intensity 8.9 yumanig sa bansang Hapon.

Agad kasunod ang tsunami na rumagasa sa pamayanan. Linukuban ang kalsada at namayaning pansamantala ang karagatan.

Naalarma ang sanlibutan, kanya-kanyang sagap ng balita sa internet.

Sinilip ko ang mapa ng Pilipinas na inilatag ng GMA7news para sa babala ng nakaambang kasunod na epekto ng malakas na lindol, ang pagsalasa ng Tsunami.

Nakita ko ang kulay pulang pananda sa bandang hilagang silangan, at ito ang mga kostales na pamayanan ng Pilipinas na kasama sa prediksyong nakatambad sa panganib ng Tsunami.

Ang kanang bahagi ng mukha ng mapa ng Pilipinas ay siyangang hilagang-silangan.

Mula sa taas ang Cagayan, kalagitnaan ang Quezon, Camarines at Samar, at sa ibaba nito ay ang probinsiya ng Surigao at Davao Del Sur.

Ito ang kabuoang nakatalang tatamaan ng nakaambang panganib sa loob ng ilang minuto na lamang nung araw na yaon.

Bumalik sa aking gunita ang dekada 70, sa pangyayaring sumapit ang lagim sa ilang isla sa aming bayan dala ng Tidal Wave. Nahintakutang nagsilikas ang mga tao tungo sa taas ng kabundukan. Ang iba ay nakaligtas sa pamamagitan ng pag-akyat sa mga puno ng niyog.

Dahil sa ala-alang iyon, napagtanto kong itong bukambibig na Tsunami ngayun, ay sya ring Tidal Wave noon. At natiyak kong gayon nga ayon sa Encarta Dictionary.

Agad kong tinawagan ang malalapit na kaibigan upang ibahagi ang mga paalala at paghahanda ayon sa babalang napulot ko sa malawakan at kasalukuyang oras na balita sa Internet.

Salamat na lamang at lihis, ligtas at payapang lumipas ang minuto, oras at araw na di na nagpakita ang Tidal Wave o Tsunami.

Magsisilbing talaan ng panahon na lamang ang blog na ito.

At kinaumagahan, kinumusta ko ang aking mga kabarangay.

Masayahing ang mga tao sa aming nayon. Tipikal na sinaunang buhay. Sa kanang bahagi ng karsada ay bulubundukin at sa kanan ay ang matandang ilog na aming pinaglulunoyan ng walang sawang kaligayahan sa paglalangoy.

Mabuti naman at mulat na rin sila sa mga sariwang balita. Natuto na ring maghanda sa panahon ng nakaambang kalamidad.

Ang mga antigong matatanda ay natuto na ring sumunod na lang sa agos at payo ng mga bata.

Subalit me mga salbahe ring namang mga bata. Ito yun mga kabataang hindi kasali sa nabanggit ni Gat Jose Rizal na " kabataang pag-asa ng Bayan".

Ang mga dyaske kasi, pinagtatakot ng husto ang mga matatanda. Sinabi nila na mas malaki at mataas ang Tsunami kaysa sa Tidal Wave. At ang Tsunaming ito ay manggagaling lang sa karatig na ilog sa kanilang bakuran.

Thursday, October 28, 2010

PALUWAGAN

Nagising ang aking kamalayan sa usaping PALUWAGAN nung panahong kasisimula ko pa lamang mamuhay bilang isang bata pang namamamilya. Ito ang panahong napagtanto kong totoo pala ang kahalagahan ng EKONOMIYA, na dati ay sa silid aralan lang namin napag-uusapan nang may pagkabagot. Seryoso na nga pala ang buhay may pamilya at kailangan magpalinga-linga na sa lahat ng bagay na maaaring makalikop ng pondo para rin sa pamilya.

Ang paksang PALUWAGAN ay natagpuan ko rin sa loob ng organisadong Kooperatiba. Ito ay ang pagsama-sama, pag-ambag-ambag ng tig-karampot na halaga ng bawat isa, na kung susumahin na ay isa ng malaking kaluwagan sa nakatokang tatanggap ng kabuoang halaga.

Isang napakalaking simbolo at testimonya na sa pagkakaisa ay may lakas. Subalit sa kasawiang palad, bago sumapit ang nakatakdang sasahod sa kulelat na panahon, naglalahong parang bula ang mga unang nakatanggap na. Ito lang ang malpraktis na kumikitil sa magandang mithiin ng PALUWAGAN.

Samakatuwid, masigla ang samahan sa simula, at kalaunan ay unti-unting ginagapang ng kasakiman ang puso ng ilang nakinabang na. Maging isa man ang mag-abandona sa kanyang karampatang ambag matapos makasahod, ay pihong mapipilay ang daloy ng biyaya sa mga susunod pang nakatakdang sumahod.

PALUWAGAN. Isang magandang kataga, subalit bakit bigo?

Sa aking palagay, may maganda at tumpak na kahulugan ang PALUWAGAN. Kailangan lang sigurong baliktarin ang konsepto. Kung sa naunang programa ng paluwagan ay hinahangad ng bawat isa na maunang sumahod, puwes, sa pagkakataong ito, walang magnanais sumahod ng nauuna, at kung maaari lang, 'wag na lang dumating ang oras na maisalang pa.

Inihahalintulad ko ang konseptong ito sa kahulugan ng "Mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap" (It is better to give than to receive), dahil higit ang pabuyang tatanggapin sa langit ng taos pusong palabigay.

Sa punto ng talinhaga, bihira ang tunay na naniniwala dito, kasama na rin yata ako. Tama sa teorya, ngunit, hindi lubos na isinasakatuparan. Kung ginagampanan man ay takal na takal o pa pitsi-pitsi lamang. Pano nga, may kanya-kanya tayo ng antas ng kagahamanan.

Ay kung tunay ngang paniniwalaan, bakit nga konti lang at pakonti-konti pa kung magbigay?

Si Bo Sanchez lang siguro ang payak na magandang halimbawa sa ating lipunan, at meron ding iba ngunit umabot na ang kanilang yaman sa karurukrurukan kung kaya't madali ang kanilang pagganap bilang mga pilantropo.

Sa puntong literal, tumpak ang kasabihang "Mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap" (It is better to give than to receive), sa tulad ng nakagawian nang gawin ni Manny Paquiao sa ibabaw ng lonang entablado. Hindi lamang kayamanan, pati karangalan ay naiiuwi nya dahil sa dami ng kanyang ibinibigay na suntok sa kalaban.

Ayaw nating mamatay agad. Ayon sa teorya ng paborito kong manunulat na si Jessica Zafra, kaya daw may takot tayo sa hindi inaasahang maagang kamatayan ay sa dahilang may kamalayan tayo na totoo ngang me katapusan ang ating mortalidad. At kung sakaling alam nating wala palang kamatayan ang tao, tiyak na mag-uunahan pa tayong tumalon sa matatayog na gusali o kaya ay salubungin ang rumaragasang siks bay siks.

Alam natin na tatanda at tiyak mamamatay rin tayo, kaya naman gumagawa ng paraan ang maraming tao para mapigilan ang pagtanda, mapahaba ang buhay. Nandyan na ang pagpapahid sa mukha ng kung ano-anong malalagkit na krema, tumutungga ng matatamis na likidong organiko, lumulunok ng tabletang walang approved therapeutic claim at iba pang panindang naglilipana sa kamay ng mga taong gustong maghanapbuhay. Kitams? Parang lagareng hapon. Yung kumukunsumo naghahangad ng buhay, yun naglalako, naghahanap buhay din. Lahat gusto mabuhay.

Ay buhay, simple lang ang solusyon dyan, pabagalin ang orasan upang tumagal ang buhay, o kaya ay dagdagan ang orasan ng 6 na oras isang araw upang maging 9 na araw ang isang linggo, 15 buwan isang taon - at kung 50 anyos ka na ngayun ay parang 37.5 anyos ka pa lang samakatuwid. Alam ko, kukuha ka ng kalkyuleytor para subukan ang matematiks ko.

Balikan natin ang PALUWAGAN. Nangyari ito kamakailan lamang sa samahan ng mga dating Iskolar ng Bayan ng Central Luzon State University (CLSU) sa bisa ng COCOFED Scholarship Grant nung panahon ng dating Pangulong Ferdinad E. Marcos, dekada 70 hanggang 80, kung saan karangalan kong ako ay mapabilang.

Dahil sa aking pagbubulalas ng damdamin sa isang Blog dito sa Multiply at Facebook na may pamagat na "DISTRESS CALL", napukaw ang pusong pakikiramay ng aming kawan. Tulad na istilo ng isang PALUWAGAN, kami ay nag-ambag-ambag ng munting nakayanan at inialay sa mag-asawang kasamahang, na impit na sinasarili ang pagdurusa na dinaranas nila at ng kanilang mahal na anak na nasa bingit ng kamatayan at nakamamatay na gastusin.

Sila ay nagpapasalamat subalit malungkot na sumahod ng aming pinagsama-samang nakayanan na dinagdagan ng ilang simpatiya at pagdarasal pa.

Sa ganitong pagkakataon, walang naghihinakit na hindi nakatanggap ng sahod, ni wala man lang nag-uunahan magdeklara na susunod na sumahod. Wala rin puwang ang kuropsyon dito dahil ang ngalan ng lahat ng nag-alay ng tulong ay nakalista ang full name and address sa ulap ng langit.

At kung alam lang nila na higit na malaki, in bold letters with glitters pa ang mga titik ng pangalan ng sinumang malaking magbigay, palagay ko, mag-uunahan na naman tayo at magpapalakihan pa ng bigay.

Amen ba? Amen!





Monday, October 11, 2010

Ang Kaibigan Kong SAMKIDLAT Para Sa Lahat

Salamat sa iyong bukal na pagsulpot sa kamalayan ng sang kabukohan, at ako ay higit na nagpupugay saiyo sa dahilang binasag mo ang iyong pananahimik sa ngalan ng pag-aalay ng suporta sa isang kasamahan.

Salamat din sa iyong paglalahad ng isang trahedyang nangyari sa iyong buhay na may lakip ng himala sa iyong pagkakaroon ng pangalawang buhay. Sino nga ba naman ang bubuhayin kapag tinamaan ng kidlat, higit ang lupit nyan sa "tinamaan ng Lintek".

Minsan ko nang naipakilala sa ating samahan ang alamat sa likod ng iyong dumadagundong na pangalang SAMKIDLAT!!! kssst brooom sez boooommmbaaaa!!!!!!

Subalit wala man lang naniwala sa akin nung mga oras na yaon. Nais ko lang naman na ibahagi ang aral na mag-ingat sila na gumawi sa lugar na tila ligid ng sagingan tulad ng lugar na pinangyarihang naganap na sakuna sa iyo at 3 pang kasamahan. At higit sa lahat ay huwag maghamon o makipagpustahan na "tamaan ng kidlat" ang sinumang nagsisinungaling.

Ang katotong Sammy ay alam kong hindi sinungaling, maliwanag na nadamay lang dahil nagawi sya sa isang lugar sa maling pagkakataon, at sya nga ay himalang nabuhay.

Maraming himala ang nangyayari sa buhay ng aking kaklase at kaibigang Sammy.

Likas ang kanyang talino lalo na sa numero. Di ko malimutan ang kanyang galing sa klase namin sa Mechanics sa isang board work na ibinigay nang aming guro na si Prof. Pedro O. Gelilio ng CLSU. Sya lamang ang tanging nakakuha ng tumpak na kasagutan at pansamantalang tumiklop ang mga bituin ng magagaling din naming kamag-aral na sina Arturo Francisco, Nemesio Escobinas at ang nasirang Ferdinand "Ninoy" Aquino.

Ang maipipintas ko lamang kay Sammy ay ang kanyang malilinggit na "handwriting". Napakahirap talagang unawain ang kanyang dikit-dikit na panulat na tila hugis maliliit na ipin ng daga. Sa palagay ko ay mas madaling pag-aralan ang sign language kaysa mag decode ng mga titik na isinulat ni Sammy. Kahit siguro medical transcriptionist ay magreresign sa trabaho kahit mataas pa ang sweldo kung panulat ni Sammy ang i-tra-transcribe. Hindi ko maubos maisip kung pano nakapasa ang loko sa "Drawing I & II sa ilalim ni Prof. Reyes noon. At yan ang kauna-unahang himala na naganap sa buhay ni Sammy.

Si kaibigang Sammy ay mala inbentor din ang kaisipan. Mayroon syang konsepto noon na gumawa ng isang fire-proof na lawanit. At bigla na lang kalaunan ay sumulpot ang hardi-flex na hango sa kanyang orihinal na ideya.

May mga ginawa rin syang matibay na pugon na yaring semento para sa gatong na uling noon. At umorder pa nga ako pero nadaganan si Sammy sa dami ng inorder ko kaya di na nakapagdeliver, at isa pang dahilan ay napakalayo naman ng Gumaca sa Paranaque.

At ang isa pang kagila-gilalas na kwento ay ang kanyang pagbibigay lunas sa sakit sanhi ng sirang ipen. Nakatuklas sya ng isang uri ng halamang baging na ginagamit nyang pampausok sa tenga ng pasyente at nagpapaalis ng sakit ng ipen. Sinasabi nyang napapalayas ang mga uod na nananahan sa bulok na ngipen na tila nagsilbing "tear gas" ang usok na pinadaan sa tenga at tumatagos sa loob ng bibig ng tao.

Ang mga naturang kwento sa akin ni Sammy ay aking pinaniniwalaan hanggang sa mga oras na ito dahil kilala ko siya bilang totoong tao. Hindi nya ako lolokohin at alam ko rin kung kailan sya nagbibiro. Alam ko talagang hindi sya magsisinungaling sa akin at ang isang prueba dyan ay ang pagkakaligtas nya sa tama ng kidlat.

May iba pang kwento na hindi kapani-paniwala subalit depende kung sino ang nagkwe-kwento, ay maaaring maniniwala rin kayo. Tulad nitong kwento ni Pareng Rudy Sadia na isang ring matalik na kaibigan. Ang kwento nya ay isang kababalaghan. May ginanap daw silang exorcism, at nakita nya sa kanyang harap mismo kung paano umikot ng mabilis ang isang lalaking sinaniban ng masamang ispiritu, lumuwa ang napakahabang dila, sumuka ng likidong pagkabaho-baho at nagsalita sa kakaibang tono ng ibang boses. Ang nasabi ko na lang kay Rudy ay - "kung ibang tao ang nagkwento nito ay di ko paniniwalaan, subali't dahil ikaw ang nagsabi nito, sumasampalataya ako" at inulit nya rin ang kanyang pagdidiin na kumpirmasyon.

Tinatawagan ko ang Pareng Rudy ko na sana magpahayag naman ukol sa paksang ito para naman lalong tumaas pa ang rating ng aking credibilidad.

Balik tayo sa dating bida ng ating usapan, kay SAMKIDLAT!!! kssst brooom sez boooommmbaaaa!!!!!!

May proyekto rin si SAMKIDLAT tungkol sa pagpapaanak ng alimango "in captivity". Milyon milyon ang itlog ng buntis na alimango. Sinubukan niyang maghuli ng buntis nito at ikinulong, binigyan ng pagkain, inalagaang maigi. Subalit sadya nga yatang ang naturalesa nito ay manganak lamang sa isang layang galaan.

Tatapusin ko na muna ang bahagi ng kwentong ito at itutuloy ko na lang ang susunod na yugto na tatalakay sa pagiging siyentista ni SAMKIDLAT. Aalamin ko rin ang latest development ng kanyang Alimango Project. Nais ko ring isabay na rin ang pagtalakay sa aking pananaliksik kung paanong ang organikong damo ay mako convert sa gatas.

Dito ay nais kong magkaroon ng kolaborasyon kay SAMKIDLAT dahil sya na siguro ang kasagutan sa misteryo kung paanong ang damo ay may kalalabasang produktong gatas. Sinasabi nya sa ngayun ay nagpapakadalubhasa at isinusulong nya ang adhikaing tangkilikin ang "ORGANIKONG KILUSAN".

Tuesday, October 5, 2010

A Time I Wish You Were Here

TO: BUKOLANDIA

I am forwarding to you the PM to me of Ardith. I don't have much time to rewrite it, so I am just forwarding her message to me.

Message like this can not be contained within ourselves, it has to be expressed. Ultimately, it will dawn on us that this expression of grief is wanting a reciprocal of sympathy.

This is our opportunity to offer our words of comfort, as if taking away a portion of their sorrow, no matter how ephemeral our effort to buoy up their spirit.

--- On Wed, 6/10/10, ardith flores wrote:

From: ardith flores
Subject:
To: kanvar_ent@yahoo.com
Cc: ardith_flores@yahoo.com
Date: Wednesday, 6 October, 2010, 2:53 AM


Tony,

Pinaiyak mo naman ako ng husto dito sa ginawa mo, kaya pala hindi ako makatulog, naisipan kong magbukas ng email ko, di ko pa natatapos basahin ang posting mo ,nagigising ako sa katotohanang anumang oras pwedeng mawala si hezron sa amin, kaya na touched ako ng husto, iyak ako ng tudo, dahil nasa end stage na siya ng taning na 5 years, para sa isang ina o magulang na katulad natin ito ang pinakamahirap na yugto o sitwasyon ng buhay kung paano na ito malalagpasan, lalo na't nakikita ko na gustong-gustong mabuhay pa ng anak ko. hindi ko kayang ilarawan ang pagdurusang nararanasan ng aming pamilya. Totoong napakahirap ,di ko kayang ipaliwanag. nahahanap ang pera at nakakaraos , pero ang realidad na nasa rurok na ng taning ang anak ko, di ko kayang harapin ang katotohanan sa panahong ito, mas gusto kong ako na ang mauna at umako ng lahat ng paghihirap niya, eh.

pakisuyong tulungan nyo kami thru prayers na maging matatag dahil may apo pa kaming palalakihin, nung kasalukuyang nagbibibleed sya panay ang bilin nya kay alain na hwg pababayaan si zoe at pag-aaralin namin at nong 1 wk na syang nakaconfine dinala si zoe sa kanya basta't tinititigan nya lang ang anak nya, damang-dama namin ang kalungkutang nadarama nya habang nakatitig sa anak nya. 25 years old na si Hezron B-day nia last Sept 17. 9pm inatake syang bigla.
Sana makarecover pa sya,nakakagalaw-galaw na sya although napakahina pa. Sa bahay nalang namin sya aalagaan at palalakasin, hopefully makalabas na kami this week.

Thanks and regards to the whole family.

Ardith


Distress Call

TO: BUKOLANDIA

Please forgive me for posting this private matter.

I can not continue my work today because it's bothering me. Maybe after writing and sharing with you this heavy baggage in my heart, I could proceed to what I am being pre-occupied as usual.

It came to my knowledge. I could feel the pain and pressure.

I think he is 21 years old. He has a congenital heart ailment. For the past 5 years (not sure of the time) he is living with an stand-by oxygen tank which is his refuge every certain number of hours round the clock. He takes Viagra everyday to make his blood circulate???? or what, I can't remember how his mother explained it to me. You know, its really hard to comprehend a narration of human drama elaborating the gravity of his and mother's suffering. The cost of that Viagra alone and other medicines is P800 plus a day. But if complete medication will be followed, they need at least P2,500.00 a day.

My figures are maybe inaccurate, but it remains a huge uncertainty to bear.

The patient would also suffer bouts of seizures or attacks, I don't know the medical term. And every episode would send the whole family in panic to the hospital in Manila, shuttling by boat and bus all the way from Polillo, Quezon.

Just lately, he was bleeding, in the arms of his father, he lays for 4 hours on a boat that conked out in the middle of the sea, and finally reaching Manila at the Heart Center but can not be accommodated due to unavailability of room. So proceeding to St. Luke's, where an uncle of the patient attends him for free, but the hospital services bill and the nature of the patient's case is really very expensive.

They were there at St. Luke's for 2 weeks now, supposedly discharged 3 days ago but can not settle the hospital bill of P300T plus. And the bill continues to build up, now reaches P400T mark. The hospital won't accept promissory note.

Ardith Evangelista Flores, 6th Batch Cocofed Scholar, called me up to seek excuse for not coming to remit her Avon product sales proceeds.

I don't like to hear her talking about Avon or Bodega Mo products this time, as we usually discuss small businesses. The hint of her having a problem makes me forceful to inquire more.

The name of his son is Hezron Jefte. He studied at CLSU but eventually quitted due to his health problem. He got married and beget a son, Zoe Quintin, the first grandson of Ardith and Alain. A precious remembrance whom Hezron is always bequeathing almost all the time he is on the verge of eternity.

Whatever worth this posting to anyone, I don't know. I just have to express this, in order for me to proceed doing other things that are only second in importance of letting everyone know, that my friends Ardith and Alain Flores are in distress.

Wednesday, September 15, 2010

Isang Karanasan Ng Idol Bongget Ko

September 04, 2010, isang araw ng Sabado nang pagtitipon sa Apartment ni Edwin Pasamba sa Pasay.

Ito ang araw ng kapanganakan nina Precy at Mavic na inorganisa ni Millet ang pagdiriwang.

Dumating ako na medyo kulelat sa tagpuang lugar at laking gulat ko na inabutan ang idol Bongget ko.

Bibihirang makaray sa ganitong mga pagkakataon ang kaibigan kong ito, dangan kasi sa kanyang inaasikasong maliit na negosyong Internet Shop sa harap ng bahay nya. Itinuturing kong isang milagro ang nangyaring pagdalo ni Bongget nung araw na yun.

Ako: O idol, buti't dumating ka.

Bongget: O nga, nakapag alibi lang ako na magbabayad ng kuryente.

Ako: Kumusta naman ang bisnis mo?

Bonnget: Mahirap ngayun, pataas na ng pataas ang singil ng kuryente sa Internet Shop ko. Eto nga, dala ko na rin yun bill na inaabot ng P10,500 eh.

Ako: Dapat talaga me iba pang mapagkakakitaan para makaagapay man lang sa lumalaking gastusin natin sa araw-araw.

At doon, naputol ang aming kumustahan. Dumating na rin si Nang-Nang at mayamaya pa si Elma. Tuloy ang pakikipag-sosyalan kina bertdey girls na Precy at Mavic, Host na Edwin & Millet, others guests Marissa, Emily & Lorena. Kainan, konting kantahan, tapos kainan uli.

Maya't-maya pa ay may dumating na iba pang mga bisita na hindi Cocofed. At bigla ay nagkaroon ng product presentation. Para pala akong nagdilang anghel. Kanina lang ay nasabi ko ki Idol Bongget na dapat me iba pang mapagkakakitaan, ngayun heto't nasa harap na namin ang kasagutan.

Nakasilip din ako ng pagkakataon kaya't inilabas ko rin ang aking walang kamatayang Rice Husk Gasifier Stove. Nagdemo rin ako, at muntik ng mamatay ang aking kuko sa paa ng mabagsakan ng bakal na bahagi ng stove.

Di namalayan ang paglipas ng oras, mag-aalas dose na pala nang hating-gabi nang magpaalaman. Si idol Bongget ko ay hindi magkandaugaga sa bit-bit na kung anu-ano. Me bitbit na malaking plastic bag na puno ng Vitaplus product sa kaliwang kamay, nakaipit sa kilikili ang mga brochures, nakasabit sa kanang balikat ang bag na me lamang maliliit na botelya, lotion, kapeng 8-in-1, application forms, flyers, at mga recibo. Nakumbinsi ko rin si Bongget na bumili sakin ng RHG Stove ko at agad akong binayaran. Me kabigatan ang aking produkto kaya di nya na muna ito iniuwi.

Kinaumagahan, tinawagan ko si Idol Bongget upang ipaalala ang delivery ng aking RHG Stove sa kanya. At sya ay nagpasalamat at hindi nya nadala ang aking produkto ng gabing iyon. Ako'y nalilito at bakit nga ba?

Si Idol Bongget na ang nagtuloy ng kwento. Mag-aalas dos na daw nang madaling araw sya nakarating sa kanyang bahay sa Sta. Rosa. Ang kanyang Misis ay hindi na natulog sa kahihintay sa kanya.

At ito ang kanilang dialogo.

Misis: Ba't ngayun ka lang! Nalusutan mo ako kanina ah. Sabado pala ngayun at walang opisina ang Meralco, pano ka makakapagbayad ng kuryente?

Bongget: (tahimik lang)

Misis: Sumagot ka! Siguro me ginawa ka na naman na kabulastugan! Nasan yun dala mong pambayad sa kuryente kanina?

Bongget: (tahimik pa rin) me inilabas, Piso (P1.00).

Misis: Ano yan! Bakit piso ang natira?!!?ZZ*xssst//;!

Bonget: (tahimik pa lalo) Ini-abot ang recibo ng LPC na nagkakahalaga ng P500.00 bilang registration fee, kasama ang ilang produkto na naka-plastic.

Misis: Ibig mong sabihin, binawasan mo ang pambayad sa kuryente para dito?

(Sabay hagis sa paanan ni Bongget ng plastik na naglalaman ng mga produkto)

Misis: Nasan yun sukli nito!

Bongget: (Parang Pipi) Ini-abot ang mas malaking bag na naglalaman ng Vita-Plus at ang resibong nagkakahalagang P7,699.00

(kita sa mata ni Misis ang pagka shock)

Misis: Walanghiya kaaaaa! Sabay hampas ng bag na me lamang Vita-Plus sa kanyang balikat.

Misis uli: Nakakarindi ka. Kulang pa rin ito. P10,500.00 ang dala. Nasan yun tira!

(Walang maipakitang resibo at produkto si Bonnget, yun ay para sa nabili sa akin na RHG Stove)

Bongget: (biglang sumulpot ang kanyang dila) Nandun ki Tony, P2,300.00 yun binigay ko - bayad ng Rice Husk Gasifier Stove.

Misis: (kumislap ang mata) Nasan, nasan na ang Stove na yan ng maihampas ko sa pagmumukha mo!

At doon malaking pasasalamat ni Bongget sakin na hindi nya nadala ang nabili sakin.

Summary: P500+7,699+2300 = P10,499.00 + Sukli P1.00 = P0.00