Sunday, October 30, 2011

SMALL SCALE RICE HUSK GASIFIER PLANT

Dear Friends and Countrymen:

I am forwarding the final COPY written by Maestro Alexis T. Belonio on the proto-type of a small Gasifier Powered

Tuesday, October 18, 2011

DEVELOPING SMALL ENTREPRENEURS THROUGH SELLING BIO-MASS GASIFIER STOVES

All along, I thought I had embraced an advocacy on Environmentalism, Renewable Energy Sources, Recycling and other similar cause, simply because I got hooked on Alexis Belonio's brainchild, the Gasifier stove project.

I say it clear, I am not an advocate of cleanliness, orderliness, environmentness, energyness and the likes.

I must admit, it does not bother me to see disorganized surroundings, I'm not fond of planting trees.

I do not even got a clear message of worldwide climate change.

I thought global warming affects only those on the tropical zone, opposite the conducive effect it may bring to countries on the side of temperate zone.

Perhaps, the best way to say it, it is not my Forte, all of the above.

One day, I personally meet Alexis Belonio and immediately, I was converted to his cause, in a way.

From then on, I had spent my leisurely time testing and experimenting the rice husk gasifier stove.

I would often tarry at night observing the flame's behavior, it's sensitivity to airflow, learning the ratio and proportion of input fuel to output gas, and so on with so many peculiarities of it.

Every now and then, I would report to my Maestro Belonio all my observations and little rediscoveries while my having my intimate affair with the gaseous flame.

Most of the time, Maestro Belonio was not surprised by my observations because he had been there and have done that already.

But sometimes, my input reconfirms his doubts and therefore, he gave me conclusions.

And rarely, he is delighted with me, because I have stumbled on some little discoveries, so mundane that it can not be decipherable to his kind with unfathomable chest of knowledge.

Finally, we both developed the simplest, practical and minimal on manufacturing process involved in coming out with Bio-Mass Gasifier - made of stainless steel reactor.

Production is now on-going. The next part is my game. Selling time.

I am not keen on selling directly to End-Users. I intend to develop small entrepreneurs who will do the direct selling in their respective areas.

The market is so vast, because kitchen is an integral part of every household. It can never be saturated because population growth is infinite.

I assure you, the Dealers (entrepreneurs) stand to earn good profit.

For every unit sold by the Dealer to the End-user, he will generate at most, an amount that can buy around 14kgs of rice.

Whereas, the gasifier stove being peddled weighs around 4kgs only.

I guess, I found my advocacy here, that of developing Small Entrepreneurs.

And it makes sense to my favorite description of myself: MY LIFE THRIVES ON SELLING ANYTHING UNDER THE SUN AND UNDER THE WATER, INCLUDING IN BETWEENS, 24/7, WHOLESALE AND RETAIL.

Saturday, October 8, 2011

Part 4: Garbage In-Fuel Out (GI-FO) Power Plant - Finally, We Saw The Light


by Jack D Majik Dragon on Sunday, October 9, 2011 at 5:05pm

This is a series of articles on GI-FO which chronicles a humble development of proto-type Gasifier powered Electric Generator Power Plant.

The project is solely privately funded and no politics involved. This endeavor has no Memorandum Of Agreement (MOA) that binds, but the players are trusting by just looking on each others' eyes.

There was no need to setting a work time frame, but the inspiration and honor of pioneering this effort as Agricultural Engineers, our common Professions, is enough energy to propel a timely and swift realization of this true and workable renewable energy project.

Looking back, Planning, Fabrication and Performance Test become a leisurely passage of time.

Talks begun on April 8, 2011. We deliberately kept our talk simple. It already includes exploratory talks, formal talk, and final talk, in one night alone. Thereby, saving a lot of money on lavish representation expenses. We only consumed one regular meal on a kitchenette in Banawe, Q.C. and a couple of beer in front of Aberdeen Court, not inside.

By April 14, Alexis Belonio started sending via email the Schematic Diagram of Plant set-up. And more drawings flows constantly to the R&D (review & duplicate) Department of Suki Manufacturing.

The period of May to July 2011 is the fabrication period of GI-FO project by Suki Manufacturing on a spare time basis only, in such a way, that the regular production of SUKI products are not hampered.

On July 16, 2011, Alexis Belonio flew to Cebu for preliminary inspection and test of reactor components.

Few people witnessed this seemingly unremarkable event, but one of them, are a group of Technocrats, who were impressed how this Belonio's brainchild work amazingly. It's because, the reactor feeds on assorted Garbage materials without the benefit of sophisticated sorting machine and most of all, not in pellets form.

That preliminary test took at least two days to complete due to minor difficulties.

On the first day, the reactor won't ignite.

At night, Alexis prayed hard, for tomorrow is a make or break situation for our GI-FO project.

On the second day, Alexis knew he can make it, because he had already done it in Vietnam and Indonesia. This time, it is for his countrymen, how can he fail?

Suddenly, all the shop workers cheered when finally, a fire of hope burst into Gaseous Flame coming out from the pipeline which will later be fed into a 4 stroke cycle Engine that will eventually drive a Dynamo which will then produce electricity.

What remains to be done is to look for a gasoline feed Engine and matching Dynamo.

For practical purpose and intent, the choice is a Used or Surplus Engine and cheaper Dynamo, because of budget constraint and its wide availability.

Hence, a 3 cylinder Suzuki multicab engine was set-up with some minor retrofitting of carburator.

Then, a China Brand 10Kva, single phase Dynamo was installed.

Everything was ready by then, the final day of seeing a light bulb glow from out of the garbage is at hand.

August 29, 2011 is the judgment day for GI-FO project because this is the day Alexis Belonio will test the whole system.

In this finale performance of Alexis Belonio, I feel like worshiping him at his feet in bended knees and at the same time saluting him left and right. Yes, the bulbs are lighted out of transformation from Garbage to Fuel to electricity.

But what is really overwhelming, is the generous heart of Alexis Belonio, who unselfishly and unconditionally shared his time and talent, literally and figuratively just for a song.

Actual GI-FO Power Plant set-up

Sunday, June 12, 2011

Part 1: Balangkas ng Kitakits ng Pangkalahatang Kabuko ng CLSU sa 2013

Paunawa: Ito ay idea pa lamang upang siyasatin ng bawat isa kung naaayon o hindi sa inyong panlasa.

Lugar: CLSU na daw

Araw: Sabado, 1 Linggo bago maging busy masyado ang CLSU

Haba ng Palatuntunan: Maaring 2 araw. Sabado - Linggo.

Viernes ng Hapon: Datingan ng mga bisita, rehistrasyon, chikahan. Wala muna pormal na programa. Magpahinga para gumising nang maaga.

Sabado:

5AM Buong pulutong ng Kabuko mag jo-jogging sa loob ng palibot ng CLSU na pasigaw-sigaw pa.

Breakfast: Sa basketball na lang. Tocino, itlog, tinapa, kape ayos na yan.

9AM Basketball sportfest. Regional team tulad nung dati.

ISLANDERS para sa Team ng mga Mangyanistang Ato Yabes at Zalditoy Sanchez Catanduanes, Romblon, Marinduque at iba pang lugar ng mga iskolar na lumalangoy sa dagat.

COCO SHAKERS na pinamumunuan ni Larry Tolentino na mga taga Laguna, Quezon, Batangas at mga alanganing lugar.

BICOL INI para sa Grupo ni Tenorio at Henry Zano mula sa teritoryo ng mga Uragon.

Bali 3 lahat ang koponan, manalo - matalo, sigurato na sa ikatlong puesto ang pinakamahina.

5PM. Awarding ng SPORTSFEST.

6-7:30PM - kanya-kanya muna tayong kainan. Bisitahin nyo ang old market para namnamin ang wala pa ring kamatayang menu ng ating panahon. Pakbet, tinumis, tortang talong at hotdog na kulobot na tira pa kaninang umaga. Pritong bangus, sarsiadong bangus.

Yun gustong magpagupit nandun pa rin si Poly, yun badaf na parlorista na gumugupit ng siete na hanggang ngayun ay sya pa ring style ng buhok ni Roque de Romas.

Yun mahilig mag-arkila ng komiks na wakasan, tagalog klasiks, kislap at tiktik, ikinalulungkot ko na sabihing matagal ng na tsugi yun at napalitan na ng Internet Shop.

7:30PM Folk-folkan at Rock-Rockan Na.

Musikal naman ang paligsahan nato. By Batch na ang contestant. Ang mananalo ay 50% texting ng mga umatend na Kabuko at 50% judgement ng mga guest Professors and Advisers ng Kabuko.

Abangan ang Part 2 para sa mga detalye.

PROPOSAL PA LANG ITO

Saturday, May 28, 2011

Part 3: TALAARAWAN ng MULING PAGTITIPUN-TIPUN NG MGA KABUKO ng CLSU ABRIL 16, 201

Bongga ang kaganapan ng taunang pagdiriwang ng mga Kabuko, sa pangunguna ng mga 4th Batchers na tumuntung na sa Ginintuang Antas ang kanilang mayor de edad.

Naganap ang pagsasayaw ng Cotillon na may Rosas pa man din.

Nagpakita ng bigay na bigay na pakikiisa sina Glo Arcinue De Vera kasama ang kanyang flawless na sistah na si Annie Arcinue De Silva.

Hataw-hataw din si Jun Lecitona sa rampahan at tinalo pa ang orig na John Travolta ng CLSU na si Roque De Romas.

Ngayon lang muling nasilayan nang malapitan ang walang kupas na kagandahan ni Aileen Solidum, na noon ay palaging likod lang ang naaabutan naming tanawin at singhot ng usok ng motorsiklo ang aming napapala tuwing dumaraan sa tapat ng aming Men's Dorm.

Marami rin ang nagsipagbalikbayan na mga Kabuko upang makiisa sa araw na yaon, tulad nina Ka Jerry Santos, at iba pa.... ano ba ito, di ko talaga mapangalanan at kilala ko lang sa mukha. At kung pipilitin ko naman i-recall isa-isa, mukha ni si Prof. Mauricio Ramos ang nangunguna sa aking balintataw.... mag ta-tatlong oras nako, wala pa rin akong mapigang pangalan ng mga Kabukong balikbayan na dapat parangalan sa kanilang mabuting layuning makiisa... pass muna.

Galante ang pa-raffle, at give-aways. Isa sa nanalo si Ka Eisen Montillano. Inusyuso ko.

"Oi, Eisen, ano tong napanalunan mo?", Sabay binuksan ko. "Oy imported to ah". Saka pa lang tila nagising si Eisen at tiningnan ang laman ng balot na kanyang napanalunan. "Aba! maganda yan, pampadulas", wika ni Eisen. "Maghunusdili ka Eisen, madulas nga yan pero hindi yan pampadulas" pagsawata ko kay Eisen. "Ba't ano ga iyan? tanong niya. "Lotion lang to, imported na lotion, Eisen" sagot ko. "Ay di ga tama rin ako? sa amin sa Mindoro parehas na rin tawag dyan." "Ah...ok" pagsang-ayon ko. "Basta sure ka hindi yan sardinas ha?" pahabol ko pang sabi.

Kinaumagahan, masarap na almusal ang nakahain. Pamilyar ang menu ng mga pagkain. Sinadya nga yatang gayun ang ipatikim sa ating panlasa upang manariwa sa ating mga ala-ala ang karenderia ni Ate Ets at Inang sa Old market nung araw ng ating kasibulan.

Itlog na maalat na me kamatis, Nilagang okra, sitaw at talong na isinasawsaw sa bagoong at isinukang kanin na kulay dugo. "Isinukang kanin...!!! Zx!rrzx@ !!! Kinusot kusot ko ang aking mata. Isang tumpok ng mamasa-masang kanin ... me tila laman ng isda na hinimay...kinulayan lang pala ng atswete... pero totoo, parang isinuka ng lasing!

Nasa ganun akong naguguluminahang nagmumuni-muni na me hawak pang plato at kubyertos sa pilahan ng pagkain, nang lumapit si Eisen upang kumuha rin ng almusalin.

Unang sinandok ni Eisen ang papaitan. Sa loob-loob ko, lasenggo pala talaga si Eisen, kagabi ko pa nakitang nag-iinom yan kasama si Jun Lecitona. Ngayun, breakfast na, pulutan pa rin ang inunang pang-ulam. At sumunod, dumampot si Eisen ng mga nilagang gulay, tulad ng okra, sitaw at talong. Sumandok ng dalawang kutsaritang bagoong at binudbod sa ibabaw ng okra, sitaw at talong. At at at sinandok din ang kanyang isinukang kanin kagabi... at at at hindi ko sya nakayanan... aaaahhh!!!

Monday, April 18, 2011

Part 2: TALAARAWAN ng MULING PAGTITIPUN-TIPUN NG MGA KABUKO ng CLSU ABRIL 16, 2011

Nagsisimula na nga ang programa nang dumating ako.

Hindi nila masyadong napansin ang aking pagdating sa dahilang sila ay nakatalikod at pumipila sa pagkuha ng pagkain. Nakipila na rin ako sa kanilang likuran.

Masagana ang nakahandang mga pagkain. Ang pinaka-nagustuhan ko dun ay yun brocolli with beef na hiniwa ng manipis na akala mo ay nginuya na.

Sosyal ang pahimagas na imported prezel na walang lasa, na kailangan paliguan ng tsokolateng umaagos na parang lahar sa bandehado, sabay sipsip sa daliri dahil hindi maiiwasang dumanak ang tsokolate tuwing idu-dutdot ang pretzel na imported.

Matapos magdilim na ang paningin ng karamihan sa labis na kabusugan, ay sinimulan na ang umaatikabong sayawan.

Enter Rolando Gutierez, a.k.a. Lampel! Mas mahaba ang hair nya ngayun.

Si Lampel ay matatandaang kasama rin natin nung nakaraang taon sa Kabuko 3rd Batch Golden Celebration na ginanap sa RET Canteen.

Matapos ang masayang tagpo na yun ay biglang napabalitang siya ay nabaril. Mabuti na lamang at malakas ang kanyang katawan sa ka ba-ballroom dancing kaya nagawa nyang makatakas at maka-akyat sa pader kahit me tama na ng bala sa dibdib.

Sa kabutihang palad, siya ay nadala agad sa ospital sa tulong ng ating dambuhalang kabuko, Big Bro. Romy L.

Makalipas ang ilang araw, ideneklarang ganap nang ligtas si Lampel at kinunan sya ni Big Bro. ng larawan na nakaupo sa hospital bed habang nakasandig sa dingding. Nakahubad ang kalahating katawan na may benda. Labas ang isang utong sa dibdib. May munting ngiti sa labi at bahid ng balasik ang maaaninag sa kanyang mukha, marahil dala pa rin ng trauma sa kagaganap lang na trahedya sa kanyang buhay. Kung babalikan ninyo ang kanyang larawan na pinost ni Big Bro, para syang ka dobol ng aksyon star na si ROI VINZON.

Sa pagbabalik tanaw, tinawagan ko si idol Bongget nung araw na yun. Tinanong ko sya kung kaya nya yun na umakyat ng pader habang me tama ng bala. Sa totoo lang, kasama na ako, aminadong di namin kayang umakyat ng pader kahit walang tama ng bala. Kung si idol Bongget nga, sabi nya, kahit sa kama pa lang, hirap na syang sumampa.

Dahil sa balita sa pahayagan at caption na ginawa ni Big Bro sa picture ni Lampel, nalaman ko na Rolando Gutierez pala ang tunay nyang pangalan. Sa nakita kong tatag ni Rolando G. ayon sa kanyang postura, nasabi ko ki idol Bongget na mas mukha pa pala kaming Bading ni Bongget kaysa kay Rolando.

May pangamba akong kinakapa sa aking puso. Nag-aalala ako sa hinaharap na kung pano na ang kahihinatnan pagdiriwang sa darating na 4th Batch Kabuko Reunion natin kung wala na si Lampel. Naisip ko lang na baka iwanan nya na ang career na pag D D.I. at ipagpatuloy na lang ang pagiging aksyon star.

Hay salamat, sya pa rin pala si Lampel. Napamahal na rin sa mga Kabuko, at ngayun, kasama pa rin natin at patuloy na namamayagpag. Eto sya ngayun at totoong-totoo na nagbibigay aliw sa mga Kabuko, may baon lamang syang tig kakalahating dosenang T-shirt at tuwalya dahil sa hirap ng kanyang galaw, tila may irrigation pump ang kanyang katawan na bumubuga ng pawis.

May isang magandang balita pa. Dumating ang dyosa ng Cocofed, si Aileen Solidum, at may baon pang D.I., kaya dalawa na ang miyembro sa ating Federacion. Di ko pa nakuha ang kanyang pangalan.

Ganun pa man, binabati ko ang bagong panauhin ng mga Kabuko na katuwang na ni Lampel ngayun. Pagkatapos ng okasyon na ito, sana ay mag-iingat din sya, baka makatulad sya sa karanasan ni Rolando Gutierez, a.k.a. Lampel.

Itutuloy... abangan uli..

Sunday, April 17, 2011

Part 1: TALAARAWAN ng MULING PAGTITIPUN-TIPUN NG MGA KABUKO ng CLSU ABRIL 16, 2011

Gumayak ako patulak ng CLSU kasama ang aking paboritong lambingan na si Jackdmajikdragon.

Nag text si Kabukong Olib: Nasan kana? Attend ka ba sa reunion. Me dala ka bang Sound System.

Nag text ako: Nasa NEW YORK pa ko. Wala akong dalang Sound System. Dala ko anak ko.

Text uli si Olib: Niloloko mo na naman ako, kausap lang kita kahapon na nasa bahay mo pa ikaw diyan sa Paranaque.

Text din uli ako: Malapit lang kami sa NEW YORK, cubao!

Pansamantalang namahinga ang daliri kong naka assign sa pag te text.

Pero makalipas ang 45 minutos, nag to-tot ang celfon ko, palagay ko si Olib na naman ito, sabi ko sa sarili ko.

Sino pa nga ba? text ni Olib. Abah nahulaan nya iniisip ko!

Hinulaan ko na rin iniisip nya, kaya sinagot ko na agad: "Dito na ko sa MINDANAO".

Ha!!!, sabi mo kanina nasa NEW YORK, cubao ka, pano ka napunta ng Mindanao? bulalas na tanong ni Olib.

DITO KO DUMAAN SA MINDANAO, avenue PAPUNTANG NLEX KASI MAS SHORT CUT!, inis na nag textback ako.

Ahh ganun ba?... Di ko na sinagot para makatipid sa unlitext ko.

Dumaan kami ng SCTEX at lumusot sa Talavera.

Malapit na sa CLSU nang maalala kong di pala ako naka pagpa-reserve ng Overnite Accomodation. Napilitan akong mag text ki Olib, na agad namang sumagot na tila may magandang balita. Fully booked na daw sa loob ng CLSU Campus ang lahat ng hotel, hostel, at anu pa mang uri ng lodging house.

Dun ko napagtanto, di ko pala dapat tinarayan ang isang Olib na nangangasiwa ng resevation ng aming delegasyon.

Mabuti na lang naalala ko na me natulugan kaming malawak na Hotel nung nakaraang taon, lampas main gate ng CLSU, sa bandang kanan, halos katapat lang ng BPRE nung minsan dumalo ako sa pagpapalit ng bagong pangalan ng nasabing ahensya, na ngayun ay PHILMECH na.

At kami ay tumigil sa entrada na natatanuran ng guwardia na sumipat sa amin. Matapos malaman ng guwardia ang aming pakay na magche chek-in, tumiklop ang harang sa gate na stainless na tila accordion.

Nang makapasok na kami at bumaba na ng sasakyan, nagpalinga-linga ako sa paligid.

Natanaw ko sa tapat-kabilang kalsada ang compound ng dati ay NAPPHIRE na naging BPRE at PHILmech na. Tumingala ako sa langit at natanaw ko ang torre na me karatula na animo nagsasabi ng pangalan ng gusali. Sa aking pag-aninaw sa mga letra ay P-H-I-L-S-I-C-A-T.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nung mga oras na yun.

Nag to-tot uli ang aking CP. Siyempre si Olib uli: Naka check-in ka na ba? Nagsisimula na ang program.

Teks ko: OO, naka check-in na ako dito sa Hotel nina Takris.

Teks nya: Ha??? Me hotel na ba sina Takris???

Teks ko: Meron, dito nga ako nag check-in last year, sa may tapat ito ng NAPPHIRE na naging BPRE na naging PHILMECH, na hindi ko na alam kung anong isusunod pa na pangalan.

Teks nya: Tange! hindi yan kina Takris. Joint venture yan ng CLSU at China.

Teks ko: Tange ka rin! Siguradong kina Takris ito na asawa ng dati kong titser sa Engineering na si Prof. Emil Sicat. Me ka joint venture sila na foreigner, na ang pangalan ay PHIL, kaya pinangalanan nila ang Hotel na to na PHIL-SiCAT. Segi nga, tumingala ka sa Tower, ang laki-laki ng letra.

Mabilis akong nagbihis, iniwan ang gamit sa Hotel, nagmamadali para makahabol sa kaganapan ng pagdiriwang sa CLSU Canteen ng mga 4th Batchers na mga Kabuko.

Nagsisimula na nga ang programa nang dumating ako.

Itutuloy.... Abangan....