Thursday, September 27, 2007

Isang pagpupugay kay DR. JOSE L. TABAGO, PhD Agricultural Engineering, Oklahoma State University, 1983

Nais kong isalaysay ang ilang natatanging kabanata, bilang mag-aaral ng CLSU, tumutukoy sa panahon at asignatura na BS Agricultural Engineering - Batch 1985.

Sa aming ika-lima at huling baitang sa kolehiyo, araling taon 1984-85, unang pagkakataon naming nakilala si Dr. Jose L. Tabago, na noon ay sariwang-sariwa pa galing sa katatapos na pagpapakadalubhasa sa Oklahoma State University.

Hindi ako maaring magkamali sa ngalan ng bansang pinanggalingan nya, dahil iyon ay tunog kowboy, na agad kong inihambing sa impluensiya ng kanyang pananamit at tindig, na siyang tumambad na kawangis niya nung unang araw ng oryentasyon sa klase, kung saan siya ang aming magiging guro sa Soil and Water Conservaton Engineering. Matipuno at tuwid ang kanyang tindig, naka-pailalim ang pang-itaas na damit, nakasinturon na may malaking bakal, lumalagatak ang takong ng sapatos na katad na parang bota. Minsan nagsusuot din ng sombrero tulad nung sa mamang nakasakay sa kabayo habang humihitit ng sigarilyong Marlboro. Hindi ba’t ganyan ang dating ng magiting na kowboy?

At saka noon, pag napupunta ako ng Maynila, nadadaanan ko sa Taft Avenue ang mga sikat na lugar na kumukuti-kutitap sa gabi, may malalaking pangalan na Oklahoma, Arizona at Dakota. Ewan ko ba, basta nun ipakilala nya ang kanyang sarili at pinanggalingan na Oklahoma, biglang lumipad isip ko sa isa pang Oklahoma na nasa Taft nga.

Pero hayaan muna natin ang usaping kowboy na yan at di naman talaga yan ang pakay ng aking salaysay. Nais ko lang bigyan daan ang aking sariling opinyon, na sabihin ang mga bagay na nasilip ko ng mga panahong yun na may kaugnayan sa: kabutihan, kagalingan, kasipagan, at kadakilaan ni Dr. Jose L. Tabago.

Si Dr. Jose L. Tabago ang nagdala ng kauna-unahang kompyuter sa College of Engineering.

Si Dr. Jose L. Tabago ang nagmulat sa Batch namin ng tuwirang pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan.

Ngayun, i-isa-isahin ko na kung bakit at papano nangyari:

Sa panahong 1984, wala pa masyado sa kamalayan ng mga mag-aaral ng CLSU ang tungkol sa personal computer. Si Dr. J.L. Tabago, bitbit ang dating gamit na kompyuter sa OSU, o sige, Oklahoma State University na nga. Buong giting na ipinagmamalaki niya sa harap ng buong klase ang kagilagilalas na kapangyariyan ng kanyang komputer sa bilis mag proseso ng mga letra at numero. Isinalarawan ni Doc na sa pamamagitan ng diskit ng komputer, maitatago mo dun ang maraming aralin na kung susulatin ay katumbas ng isang baol na papel na kaybigat bit-bitin. Nagbabala pa siya na ingatan ang diskit dahil puedeng nakawin ang mga datus sa loob nito sa pamamagitan ng pagsipi sa isa pang diskit sa ilang pindutan lang.

Napapanganga kami lahat. Ang hawak lang naming kompyuter ng panahong iyon ay casio calculator. Feeling nga namin mas hi-tech na panahon namin kumpara sa mga alumni na naging mga instructor na rin namin. Sila yun mga nagsipaggamit pa ng sliding rule, at itago na lang natin sila sa mga pangalang, Dr. Ireneo at Melissa Agulto, JV dela Cruz, Romeo Gavino, Nestor Candelaria, Arman Espino, Tito Aguinaldo, Ed Cayabyab, Francis Cuaresma, Benjie Gargabite, Emmanuel Sicat, James Mata, at Theody Sayco.

Isang hapon, tumatagaktak ng alinsangan sa tindi ng init ng araw, napatapat ako sa engineering faculty room, natanaw mula sa kinatatayuan ko, isang sulok sa gawi pa roon, may isang munting silid, aba!, naka air-conditioned na pala ito, nasa gitna ng ibabaw ng lamesa nakaupo ang kamangha-manghang CPU na may sukat, humigit kumulang, sa taas na 5, lapad 15, haba 17 na pulgadas, kung saan, nakapatong din ang Monitor na nakasindi, at tila nagliliyab ang mga letrang kulay luntian sa background na itim. Naisip ko, talagang napakaselan ng kalagayan ng kompyuter na ito na nagmula pa sa OSU. Kailangan pala ang malamig na kapaligiran habang gumagana ito.

Paglampas ko sa Faculty room, napatapat naman ako sa Drawing Room kung saan mas malamang na makita mo si Prof. Avelino Reyes. Sa gitna ng kanyang klase, nagtama ang sulok ng mga mata namin ng roomate kong ilocano, tumatagaktak sa pawis, sumenyas pa sakin ang nguso, “napudot!“.

Kinaumagahan, muling nasulyapan ko ang mahiwagang kompyuter. Nakapatay ang aircon, nakapatay din ang kompyuter. Pero, nakatalukbong ang kompyuter. Parang nanibugho ang pakiramdam ko. Naalala ko tuloy ang nakaraang gabi, kung saan napuyat ako ng husto, di makatulog dahil sa pesteng lamok. Ala kasi akong talokbong, este, kulambo.

Ibinida pa ni Dr. J.L. Tabago, gusto daw i-trade-in nung kumpare nya yung stainless jeep nito, kapalit ng kompyuter nya. No deal! Hindi man lang sya natinag o nasilaw sa stainless Jeep na sikat na sikat noon. Parang kulang nalang magpalatak si Doc ng salitang: “ano ko bale?“ , pero wala yan sa lengguahe o karakter ni Doc. Isa siyang kapitag-pitagang personalidad.

Nung panahong iyon ay wala pang computer subject, subalit, si Dr. J. L. Tabago ay nagpasimuno sa pagmumulat sa mag-aaral ng usaping kompyuter. Makalipas ang ilang buwan, dumating ang maraming kompyuter sa CLSU para gamitin ng Cashier’s Office. Naalala kong dinala niya kami doon sa gusaling administrasyon at pina-pindot ng tigkakapiranggot.

Mataas ang moral namin sa bagong karanasan, kung kaya’t nagtatag agad kami ng samahan ng mga mag-aaral na nais mabansagang makabago at makakompyuter ang adhikain. Tinawag namin ang samahan na “Bits & Bytes Club“. Ang unang pangulo namin ay si Noel Bigyan at ako yata yung pangalawang pangulo. Siyempre pa, si Dr. J. L. Tabago ang kauna-unahang Taga-Payo. Kagulat-gulat ang dami ng aplikante noon. Sa isang iglap, talo pa namin sa dami ng miyembro ang ibang samahang Frat na halos kalahating dekada nang nananatili sa loob ng CLSU. Ang pagkaka-alam ko, buhay pa ang Bits & Bytes Club sa CLSU. Ang hindi nila alam, buhay pa rin kami na nagsipagtatag nun.

Ngayun ko napagmuni-muni, ang laki na ng agwat ng uri ng kompyuter noon at ngayun.

Palagay ko nga, baka ang ninunong kompyuter na yun, di pa makapagpatakbo ng maayos sa spreadsheet program na supercalc or multiplan. Ha ha ha ha ha! Nagagamit lang yata yun sa Wordstar. Ha ha ha ha ha! Ang motherboard nun nasa kilobyte pa lang ang memory. Ha ha ha ha ha!

Ang mga halakhak na yan ay hindi isang panunuya, bagkos ay diwang aliw na aliw sa abang simulain ng kompyuter sa CLSU. Hindi man lang nabawasan ang pagkilala ko sa dakilang simulain na sinindihan ni Dr. Jose L. Tabago. Sa ganang akin, hindi mahalaga kung sino ang naka-imbento ng mag-wheels. Higit na may pabuya ang nakatuklas ng paggamit ng gulong. Ngayon, ang kamalayan ng mga taga CLSU sa kompyuter ay higit nang naglalagablab.

Susunod… ang pagiging makakalikasan ni Dr. J. L. Tabago. Abangan.

http://caramoan-kanvar.blogspot.com

Sunday, September 23, 2007

Take a Look at the Coconut ( Sarong Reparo sa Niûg )

Scientific name: cocos nucifera, common name: coconut. Some call it: noce di coco in Italy, cocotier, said the Frenchmen, kokoc by the Russians, kokosnoot spoken in Dutch, nei in Hawaii, niu for the Poynesian voyagers: niûg is the name for Caramoanons

Image Hosted by ImageShack.us


(A tribute to the Coconut and the Coconut Farmers who made my education possible through the COCOFED Scholarship Grant)


Nasasambit ko minsan an sakuyang aspirasyon na isurat an mga bagay-bagay na harani sa boot, orog pa, kun an tema may relasyon o gikan sa namomot-an kong banuaan, Caramoan.

(I said some time ago, I have this aspiration to write on anything close to my heart, much more, when it delve on topics akin to my hometown, Caramoan.)

Sa pagbana-bana nin siertong tema, naisip kong hamihamon an sakuyang recuerdos nin
kamusmusan, an amay na panahon na primerong nagkaigwa nin animo an sakuyang kaisipan, sa padabang lugar na mabulod-bulod na daga kan Caramoan. Tuminambara sa alintataw ko an imahe nin tan-awon na napapaligidan nin mga tinanom na kaniugan.

(While pondering on a specific subject matter, I choose to reckon my childhood memories, those early days of awakeaning , on my cherished land – full of backdrop of rocky and rolling hills, that is in Caramoan. It flashed on my psyche, a scenery of green plantations of coconuts.)

Sa puntong ini, nahaman an tema sa isip ko, mga patara-tara manongod sa nagkaperang detalye kan sarong niûg. An niûg, an naging halawig asin dakulang maray na kasurog sa mga pang-ekonomiyang pangangaipuhan kan kadakling Caramoanon, ta maski pa ngani, kontra-pilo an maburu-buelta nang pagbisita kan mga distrosong raot na panahon, poon pa kan panahon na daing kasagkuran.

(At this instance, I knew the topic already. I would like to write on the nitty-gritty of a coconut being. Such coconut, that has been a lifelong and very significant source of livelihood for most Caramoanons, despite of its drawbacks suffered on devastating howling winds that frequently visit Caramoan, since time immemorial.)

Maw-ut ko na repasohon an mga lingua franca na sambit kan mga tubong Caramoan, sa pagmidbid sa manlaen-laen na kaapodan sa niûg, base sa edad kaini - hale sa pagiging lambû, hastang tumagas. Pambihira nang madangog an mga makunsuelo asin mga en-puntong bernakulo, diit-diit nang nawawara sa bukabularyo, kasabay sa pagpara kan buhay kan mga anoy-anoyon tang samatuang Caramoanon.

(It is my earnest wish to review the peculiar dialects uttered by native Caramoanons, in naming and identifying the different stages of development of a coconut fruit. It is becoming rarer to hear those amusing and exacting tongue, by and by, losing spot in our casual vocabulary; tagging along and as if racing - with the demise of those idiosyncratic elders of Caramoan.)

“ Sa pagtangad sa sarong lanyûg na puon nin niûg, nahiling ko an mga buok nin saralak na nagkapirang rawog nin lumbod, matagas, asin laya ng niûg. An layâ ng niûg, kun dai pa sakatûn, o sanggotûn - sa madaling sabi, gusihûn.. minaalang na maray an bunût, nahuhubas an sabaw; salida an pagtambû nin ampol- maputi, mayomhok na matagok, sarong kumol-kumol na maharamismis kakanon.”

(“By looking up at a tall coconut tree, I sighted bunches of coconut fruits – clustered into some young, some matured, and some over-matured. An over-matured fruit in this case, when neglected to be hand-picked, or scythed with an extension pole, in other words – remained unharvested, its fibrous husk will continue to dehydrate, its juice inside the nut drying-up, giving way into the emergence of an embryo that would gradually be growing - whitish, absorbent and moist, a ball of softy mass that is sweetish to eat.)

An anuman na nasa taas, nararata. An apod sa niûg na narata, tangkû. Kadakli sa tangkung niûg, may laog na ampol. Ngapit pa, minabut-wa an saradit na gamut na nagkamang palagbas sa sadiring bunut, giya nin gravidad sa paghanap nin daga na makupuan para sa destinong maging sarong panibag-ong henerasyon.

(What is it up there, will eventually fall down. That fallen over-matured coconut fruit becomes a seed, most of them already have developed embryo, and in a matter of time, roots sprout out of its husk, guided by the law of gravity, find anchor on the soil and claim itself its destiny to become a new generation.)

Sarong layang niûg, tinubuan nin ampol dangan tuminangku, pero nugayud, minatangkû mun-â, hastang tubuan nin ampol, despues, ma nagin tambuan.

(An over-matured coconut fruit, develops embryo then falls, but in other ways, it falls first, sitting undisturbed underneath to develop embryo, and finally takes the form of a young coconut seedling.)

An nagtatalubong puon nin niûg, markado nin mga garong tinalanggahan an hawak nin huli sa gira kan nagkatirik-is na palâ-pâ. An palâ-pâ, iyo an dahon kan niûg na piggikanan kan gihoy na pansighid, asin an ugbos, tunay na pamatos na nakaburibod sa ibos . Inuusar man an tinalakid na palâ-pâ, bilang atop sa pobreng payag-payag na harong.

(A growing coconut tree shows ringed step-like gradient on its trunk, a mark from fallen pinnate leaves. Pinnate leaves are our source of midribs which we use as a broom, while its young-still folded leaves, is an ideal spiral wrapper for glutinous rice delicacy. Inter-woven leaves becomes a useful thatch for a humble hut.)

Sa laog nin poko mas o menos singko hasta siete anyos, segun sa maray-rahay na panubo, handa na sa premirong pamunga an puon nin niûg, asin dagos dagos na mamumunga hasta sa posibilidad na panahon nin gatos na anyos.

(In approximately 5 to 7 years old, under circumstance of healthy plant growth, a coconut tree is much likely ready for its first fruit bearing days, and possibly to produce prolifically in a span of a hundred years.)

Sa pag ulwat kan unlung na nakasagipit sa mga puon nin palâ-pâ, iyo na an, an senyales na bados na an puon kan niûg. Daing gayo ikalangkag, minabuk-ad tolos an unlung, minaluwas an garong giring-gitingan na mga paklang, na inaapod na, arayu-ay, an burak kan niûg.

(The emergence of inflorescence, making its way in between petioles, shows the sign of a start of being a productive tree. It will not take too long, the bud will open to display its blooming flowers.)

Sa lambang paklang kan buk-ad ng arayu-ay, mina-tambo an mga bukô-bukô, na nagin gao-ô, na sa ika-pirang semana, nagiging mga arub-ob. Sa estadong ini pelegroso na mapayog an ibang bunga sa nagkapirang remalasong kamugtakan. Arog kan mapurohan nin makosog na paros, ma-sugod nin alimbuyog, o kaya, matiyempuhan sa panahon nin atake nin helang kan niûg.

(On every stem of its fountaining flowers, will the numerous nodules appear, which will soon develop into pre-matured nuts, and within few weeks, grows a little bit bigger with only water content inside. It is during this stage that the fruit bearing process undergoes a very fragile moment that would precipitate abortion. Like susceptibility to strong winds to cause pollen to fall, attacked by bees, or probably hit by certain plant diseases.)

Sa paglipas nin nagkapira pang aldaw, kasunod na an pinakamasiram na parte nin pakinabang sa niûg, an panahon na puede nang sakatun an malinghud. An amay na parte iyo an malinghud nin daraga, lab-as an berdeng kolor kan bunut, masabaw, asin malumoy na maray an laman. Sa pag-agi nin gasinong turog sana, minatagas tulos an buok nin niûg, asin inaapod ining malinghud nin para-ayam.

(And in the passing days, the most awaited delicious part of enjoying coconut becomes at hand. Young coconuts are ready for picking, preferably by climbing. An earlier harvest or younger version of young coconut is said to be preferred by a maiden. Its flesh is jelly like and very succulent to eat. After a few overnight sleep, it matures into what is called young coconut for hunters.)

“ segun sa suanoy na istorya, an malinghud nin para-ayam, iyo an literal na kakanon kan mga para-ayam, nin huli ta dai nagdadara nin balon na kanon sinda, tanganing dai maparongan kan hayop na saindang katuyuhan na dakopon. Kadakul pa nin ritual na arte nin pagtubod an Para-ayam, siring sa saindang kakanon na malinghud, pig bat-ak an buok na patak-ras na garong lampaso, bakong tigbas na pahalabang ba-ak.”

(“ according to folktales, such young coconuts, are really the staple food of hunters, since they avoid bringing in table foods on their hunting grounds to evade detection from the very sharp sense of smell of those game animals. Aside from that, hunters are very superstitious. It form part of their ancient practice and beliefs. For instance, opening the coconut should be cut crossed-wise like a scrubbing husk at home, not the usual lengthwise chopping.”)

Aldaw sana man an diperensya kan edad, munan mo, lukadun na an tagas kan dating malinghud. Alagad an lukadun na pigsabi dai pa puedeng benepisyuhon na luka-don, o koprason. Mas angay ining pig-kudkod na magsirbing panira sa kamote, luto-un na magin dulceng bukayo, o i-ayon sa tinuk-tok na buyod na hago-hago na, na pigpatos sa dahon nin kalabasa, o bien, natong.

(An age difference of another few days, certainly in advanced stage, it’s half ripe. At this stage, it can not yet be processed into drying for copra. It is better grated and used to compliment eating sweet potato, cooked into sweet dessert-like foods, or mix into chopped fermented shrimp delicacy, wrapped in squash leaves or an edible kind of taro leaves.)

Paabante nin paabante an proseso nin pagtagas, medyo maragamo asin manag-om na an namit sa karne kan niûg, mantang minagian an timbang kan bunut na naggugurang an mga urat. Sa puntong ini, igwa nin manig-sarong buok nin niûg na nabubuyon. An termino iyo an landû, na mina-sadiring rata ngapit. Mata-pû asin madaling matukal sa bagol an laman kaini. Lasaw an gunaw na mapupuga.

(The process of maturity is advancing, which makes the flesh of the coconut firmer and have a nutty taste, while the fibrous husk weighs lesser. An this point, there might be few under-develop nuts to find among them as casualties, and it will just fall by its own accord. The meat is crunchy and easily detach from its shell. The essence of coconut cream that can be extracted from it, is less potent.)

An paladan na minasunod na pahinogon iyo an pig-apod na gasiraban. Minatagas-tagas pa man sana. Alang-alangon na gunawon, matagas na man na maray na pasayon.

(Those surviving nuts developed into an early stage of maturity. It gets harder but not yet fully a generous source of coco-milk, but too hard already to be eaten raw.)

An sunod, sinû. Kinahinogi, kinatagasi. Tama na sa panahon na gusihûn. Matagok an gunaw, matubod na lanahon, makantidad nang koprason, dai na dapat gulpihon an resiko kan comprada.

(Next, stage of prime maturity. Ripened, Hard. Just in time for harvest. Full cream, edible oil source at optimum, commercially valuable copra product – must not be imposed with big rediscounting of weight by the copra buying station.)

Kun dai nahiru an sinû, dayaday na minaalang asin minaribay an kolor kan bunût. Ini an estado ning pagiging layâ, pauli na sa pinun-an kan istoryang ini. Sa pagtubo kan ampol, pagkaputul kan matapû ng putihan sa rawog na kinukupoan, minatangkû sa sadiring gabat, naging pisog liwat.

(Unless harvested in time, its husk will gently undergo dehydration and discoloration process. It becomes an over-matured nut, reverting into where we started this story. Into germination of embryo, cutting-off from its brittle cluster by its own weight, fallen as a seed, again.)

An sirkulo nin pauro-otrung istorya nin perpetual na kamogtagan kan buhay kan sarong puon nin niûg, sarong teorya na sanang kaisipan sa satuyang panahon. Dai ma-agwanta na masalidahan nin bag-ông tubô an kaniogan, kung lalaoman sana na naturalesang tumambo an tangkuan. Gusgos na asin lanyug ng maray an mga natatadang tindog na kaniogan. Panahon na nin durungan na pagsalida nin makabag-ông semilya nin niûg, por sobre sa dakulang pakinabang sa satuyang kabuhayan, maski na, para sa mga makuapo man lamang.

logspo(The seemingly never-ending cycle of propagating nature of coconut plants, becomes only a mere theory in our time. It can not sustain restitution of its own lost kind, if we just depend on its slow evolutionary form of germination. Those standing coconut trees left nowadays are already very old and less productive. It is high time for mass replantation and replenish them with hybrid varieties, in view of its life sustaining importance in our lives, even, just for the sake of our grandchildren.)

http://caramoan-kanvar.b
logspot.com

Monday, September 3, 2007

Welcome to my Blog: http://caramoan-kanvar.blogspot.com

Greetings!

Reading Blogs has become my favorite pastime these days. It displaces a great deal of time spent on my supposedly old habit of reading books of general interests.

I become an avid follower of a number of blog authors who are churning out masterpieces that excites my imagination. It becomes my source of wisdom and entertainment. Somehow, such kind of exposures, evolved as an inspiration to me, to become wiser and at least witty.

I have been asked for my e-mail address from time to time for more than a decade, and I can't offer any. I stubornly closed my mind due to quandary of tasking my rusted faculty of learning anew the rudiments of internet surfing.

Somebody had then created for me my e-mail address. It took me some time to follow the mere procedure of opening it - to retrieve incoming e-mails, much more tedious, when I have to send outward e-mails.

The motivation and encouragement to learn how to open e-mails, and eventually accessing blog sites dawned on me when I met Wilfredo O. Pascual, a Carlos Palanca awardee for literature in 2004, and this year, declared winner again for literature , becoming a two time Palanca Grand Prize Winner. I was introduced to peek at his blog site: Secret Gospels, Sacred Sites with the guidance of a brod at CLSU Artist Club, Elito Circa.

I read a few of his opening lines:

" I was born on the eve of winter solstice, when the
earth is inclined farthest away from the sun, that
time of the year when the day is shortest and the
night longest." ......

The way his words arrived on me is just magical . That was the start of my zest in viewing all his recent entries and searching more from his archived posts. By and by, I gained little progress everyday pressing the right keys and learned to enjoy interacting with on line computer.

Thank God, for having Willi, Elito, and Caramoan@groups.msn.com, which served as my acclimatization and prelude to my taking a new role, of that being a neophyte blogger. Really a trying hard blogger.

Welcome to http://caramoan-kanvar.blogspot.com


Tony Co as Jack the Majic Dragon

Speech by ALEXIS before an audience at the Mapua Institute of Technology

Image Hosted by ImageShack.us


A pleasant afternoon to all of you .. I belong to the School of Multimedia Arts and Sciences and I was appointed CSC representative.

I take this responsibility as part of a challenge, and an opportunity for development, to be a well rounded student of Mapua Institute of Technology.

While taking the honor of being the CSC representative, I am bound to exercise leadership by example. And this means, abiding by the rules and regulations of the school, develop appreciation and promotion of this relatively new course curriculum, the Multimedia Arts and Sciences. Inspire my fellow students to perform well in academics and extra-curricular activities, in order to garner honors for the School of Multimedia Arts and Sciences.

An specific initial move, I am respectfully submitting my idea of establishing a pioneering student organization, exclusively for MAS students; as a vehicle in consolidating our efforts, a unifying factor, to be able to realize our noble objectives.

We aim that the organization will ultimately earn a distinct character of excellence, in and out of the campus. An identity deserving as that of being a product of School of Multimedia Arts and Sciences of Mapua Institute of Technology.

Thank you.

Alexis B. Co

Saturday, September 1, 2007

My Jewels in the Palace

Image Hosted by ImageShack.us


Archemis B. Co / Kim
11-18-1986


Ang paborito kong cartoon karakter, si ikabod bubwit, likha ng premyadong kartonista, Nonoy Marcelo. Yan ang naitala kong pangalan sa birth certificate para sa panganay ko. November 18, 1986 nun, P1500.00 pa lang sweldo ko, P750.00 ang kensinas. Sa awa ng Diyos, nagkasya naman panggastos sa isang klinika lang ng freelance midwife ang panganganak.

Nakita nung hipag ko ang birth certificate na nakalapag sa tabi ng kama ng kapapanganak kong asawa at napuna ang nakatalang pangalang "Ikabod". Hindi sya komporme at agad nagbigay ng payo na kawawa naman daw paglaki ng bata kung "Ikabod" ang pangalan. Dun kami nahimasmasan ng mga oras na yun at nataranta sa paghanap ng kapalit na pangalan.

Ang panuntunan ay dapat magsisimula sa "A" at gusto ko unique pero pangkaraniwan pakinggan. Ayaw ko ng dala-dalawang pangalan at mala-burgis ang tunog.

Gumawa kami ng maikling listahan ng mga pangalang pagpipilian, tulad ng Ariston, Artemis, Archemides, atbp., mga pangalang angkin ng mga bantog na sinaunang tao sa mundo. Naging tila salawahan ang pamimili sa panibagong pangalan, at sa gitna ng kawalan ng katiyakan, bigla naibulalas ng aking esposa: "yun na lang kayang" Archemis ba yun?", dala ng nagkabuhol-buhol na dila. Aba! ayos sa pakinig ko yun ah. Parang korupsyon ng Ariston-Artemis-Archemides. Naging unique nga. Binura namin ang "Ikabod" at pinabinyagan sa "ARCHEMIS" na me palayaw na Kim.















Alexis B. Co / aL3kZiz
11-03-1990

Lumipas ang apat na taon, dumating ang pangalawang supling. Sa pagkakataon ito, hindi pa rin tumpak na napagkasunduan ang magiging pangalan, gayung papalabas na ang bata sa sinapupunan matapos ang siyam na buwan.

Sa mga sandaling iyon, hinatid ng esposa ko ang sarili niya sa ospital at ako naman noo'y nasa Mindanao sa pagtupad sa tungkulin sa aking amo na siyang nagpapa-ikot ng aking mundo sa bisa ng minimum wage law. Sa pamamagitan ng RCPI long distance call, muling tumambad ang usapin ng magiging pangalan ng bata.

Wala talaga kaming nakursunadahan na mag-asawa sa mga nakaraang pamimili ng pangalan. At ako'y napalingon mula sa maliit na bintanang salamin ng telephone booth, natanaw ko ang nakabukas na telebisyon sa kabilang dako ng establishimento, kasalukuyang napapalaban ng boksing ang paborito kong boksingero ng Argentina na si Alexis Arguelles. Ano pa nga ba? e, di "ALEXIS" na.



















Argenia B. Co / Argen

12-02-1991

Makalipas ang dalawang buwan nung laban na yun ni Alexis Arguelles, lingid sa aming kaalaman, may namumuo na naman palang buhay na paparating sa aking mag-anak. At gayun na nga, halos sumukob sa loob ng isang taon, iniluwal ang pangatlong supling. Sa sandaling ito, may lakip ng ibayong kagalakan, dahil sa dalawang magkasunod na lalaki, sa wakas, babaye ini! Hindi naging masalimuot ang pamimili ng pangalan, walang kalituhan, walang agam-agam. Pinagpilian namin ang Argentina at Armenia. At siya'y tinawag naming ARGENIA.























Arvina B. Co / Arvie
03-09-1996

Muling nagkaroon ng apat na taong agwat. Isa na namang miyembro ng pamilya ang karagdagan sa aming kaligayahan. Isang malusog at pink na pink na angelita ang aming biyayang natanggap. Animo'y inipit ang ilong at tila kudlit lamang ang bibig.

Bilang isang manlalakbay na tindero, muling nakaraos ako na di makita ang hirap na dinanas ng aking mahal na esposa sa pagluwal sa isang naglilikot na angelita. Mahabang oras ang ginugol sa pagsusumikap na maging natural born citizen ang panganganak. Umabot sa pahalang na posisyon ang bata, kung kaya't hindi naiwasan ang pagpasya ng doktor na isailalim sa hiwa ng kutsilyo ang panganganak.

May isa akong among babae na Belinda ang ngalan, Bina ang palayaw. Pag natutuwa sakin, inaalok ako mag vale, pag-inis, inis na inis talaga. Sa kanya ko nakuha ang pangalan ni ARVINA.








Adrian B. Co / Nonoy a.k.a. Palampado
04-24-2004

Sapat na ang apat. Subalit, heto, humabol pa makalipas ang pitong taon, ang sa ngayon ay sisiga-sigaan sa pamamahay namin. Ang peste ng mga kagamitan sa bahay. Hindi lamang nauubos kundi dumarami pa ang mga pigurin, baso at plato sa kababasag nito. Gayun daw talaga pag tatlo ang puyo. Kung titigan mong maigi, meron pang isang maliit na namumuong puyo sa kilay.

Ang pangalan nya ay sama-sama na naming pinagtulongang pag-usapan, kasama na ang apat naming malalaki ng anak. Hango sa ngalan ng simpatikong bida ng nauusong koreanovela nang mga araw na yun, at sa suhestyon ni Arvina, at sa pinagtiyap na kaparehang mungkahi ng isang kaibigan, siya'y tinawag naming ADRIAN. Ngayun, siya'y Principe ng Kakulitan, wala man lang ni bahid ng kabaitan tulad ng angking karakter na ipinakita ng koreanong si Adrian.












http://caramoan-kanvar.blogspot.com